Undas 2022: Mga Pinoy dumagsa sa mga sementeryo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Undas 2022: Mga Pinoy dumagsa sa mga sementeryo

ABS-CBN News
Published Nov 01, 2022 01:15 PM PHT
|
Updated Nov 01, 2022 08:36 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) — Sa kabila ng pabago-bagong panahon, hindi natinag ang maraming Pilipino para dalawin ngayong Martes ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa mga sementeryo bilang paggunita sa Undas.

Sa Manila North Cemetery, dagsa ang mga tao at mistulang nabalewala ang physical distancing sa pila papasok sa isa sa pinakamalaking sementeryo sa Metro Manila.

Sa haba ng pila, umabot ito hanggang Blumentritt Road at nahirapan ang mga awtoridad na magpatupad ng physical distancing kaya puspusan ang kanilang pagpapaalala sa tamang pagsuot ng face mask.

May ilang magulang ang hinarang papasok dahil hindi bakunado ang kasama nilang bata habang ang ibang batang edad 12 pababa na walang dalang COVID-19 vaccination card ay pinasilong muna sa barangay hall.

ADVERTISEMENT
Sa Manila South Cemetery, inabot nang isang oras sa pila ang ilang mga bumisita.

Bandang alas-4 ng hapon, umabot umano sa 150,000 ang bilang ng mga nakapasok sa Manila South Cemetery, higit doble sa bilang na 60,000 na naitala noong alas-3 ng hapon.

Gaya noong Lunes, hamon pa rin na isinama ng mga bisita ang mga bata na walang COVID-19 vaccination card, na requirement para papasukin ng sementeryo, ayon kay Manila South Cemetery Director Jonathan Garzo.

Muling nagtalaga ang sementeryo ng lugar kung saan puwedeng iwanan ang mga batang hindi bakunado habang dumadalaw ang kanilang mga magulang sa mga puntod.

Nagtayo naman ng vaccination sites ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa labas ng mga pampublikong sementeryo sa lungsod bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa COVID-19.

Pero may ilan ding private memorial park tulad ng Himlayang Pilipino na nilagyan din ng vaccination site.

Sa Mandaluyong, pinayagang iuwi ang abo ng mga yumao simula noong nakaraang linggo. Pero kailangan ibalik ang mga ito sa mga columbarium isang linggo pagkatapos ng Undas.

Mayroon ding mga grupong nag-aalok ng libreng tubig at medical assistance sa labas ng ilang sementeryo.

Hindi rin natinag sa ulan ang mga bumisita sa Manila Memorial Park sa Parañaque at Loyola Memorial Park sa Marikina.

Sa San Juan, kakunti lang ang mga bumisita sa mga sementeryo dahil sa pabago-bagong panahon.

— Ulat nina Raya Capulong, Zyann Ambrosio, Adrian Ayalin, Jeck Batallones, Jervis Manahan at Jekki Pascual, ABS-CBN News
Read More:
Undas
Undas 2022
cemeteries
metro
Manila North Cemetery
Manila South Cemetery
Manila Memorial Park
Loyola Memorial Park
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT