2 patay, 1 sugatan sa aksidente ng motor sa Taguig | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 patay, 1 sugatan sa aksidente ng motor sa Taguig

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Nov 01, 2021 07:20 AM PHT

MANILA -- Patay ang isang motorcycle rider at sugatan ang kanyang angkas na live-in partner nang mabangga ng motorsiklo ang isang lalaki sa C5 Road sa Taguig Linggo ng gabi.

Dead on the spot ang 39-anyos na rider na si Richard Villan.

Namatay din ang nabanggang pedestrian na ayon sa pulis ay 31 anyos at taga-Bulacan.

Patay ang isang motorcycle rider at pedestrian sa banggaan sa C5 Road, Taguig City. Sugatan ang babaeng angkas ng rider.
📸: Taguig City Police pic.twitter.com/3ftwGa6FI0
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) October 31, 2021

Sa paunang ulat ng Taguig City Police, bumabaybay ang motorsiklo sa northbound lane ng C5 nang patawid umano ang pedestrian.

Nakaladkad pa nang 20 metro ang pedestrian.

Nasugatan sa mukha, kamay, at siko ang kinakasama ng rider na si Alma Albaro, 48 anyos.

Ayon sa kanya, pauwi na sila ng Taytay, Rizal nang mabangga.

"Mag-u-u-turn sana kami sa u-turn slot sa may C5 din," ani Albaro.

"Nawalan po kasi ako ng malay, pagtayo ko, wala na," dagdag pa niya.

Nasa kustodiya ng traffic investigation unit ang motorsiklo.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng pulis sa insidente.