Lalaki nakaladkad, nahati ang katawan nang mabundol ng truck sa Rizal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki nakaladkad, nahati ang katawan nang mabundol ng truck sa Rizal

ABS-CBN News
Published Oct 31, 2019 03:10 PM PHT
|
Updated Oct 31, 2019 08:32 PM PHT

Nahati ang katawan ng isang 52 anyos na lalaki nang masagasaan ng trailer truck sa Taytay, Rizal nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Antonio Surigao, trabahador ng isang outsource company sa bayan ng Taytay.

Batay sa dashcam video na na-upload sa Facebook, sasakay sana ng jeep ang biktima nang matamaan ito ng truck, na nag-o-overtake sa Ortigas Exetension.

Papunta sanang Cainta ang truck, na may kargang scrap metal. Napinsala din ang jeep na sasakyan ng biktima at ang isang electrical post.

Naka-red light ang stoplight sa kalsada nang mangyari ang insidente, ayon sa mga pulis.

Pumailalim sa trak at nakaladkad nang 13 metro ang biktima, dahilan para mahati ang katawan nito.

“Medyo mabilis talaga ang [truck] driver. Kaya siguro nawalan siya ng control. Nakahinto ang jeep, pati ang stoplight mismo,” ani Police Lt. Col. Christopher Dela Peña, hepe ng Taytay Municipal Police.

Agad na naaresto ang drayber ng truck na si Percineples Magsulao Jr., 58, na nawalan umano ng kontrol sa kaniyang preno.

"Wala na akong maisip, kasi sa bandang kaliwa maraming sasakyan. Kung ibangga ko naman sa tabi, andaming nakaabang. Nakita ko sa tabi ng jeep pwede akong lumusot kaya pinilit ko talaga. Sa kasamaang palad, may nahagip na isa. Hindi ko naman sinasadya na yun ang mangyari,” ani Magsulao, na humingi rin ng tawad sa pamilya ng biktima.

Kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang drayber.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT