Mga tindero, apektado sa kaunting pasahero sa Batangas port | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga tindero, apektado sa kaunting pasahero sa Batangas port

Mga tindero, apektado sa kaunting pasahero sa Batangas port

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 31, 2017 04:44 PM PHT

Clipboard

Idinaing ng ilang tinderong nakapuwesto malapit sa terminal ng Batangas port ang paghina ng kanilang bentahan dahil sa matumal na pagdating ng mga pasaherong maglalayag ngayong Undas.

Doble kasi mula sa pangkaraniwang bilang ng mga produkto ang itinitinda nila.

"Mahina ngayon ang bentahan namin, kumpara noong isang taon dahil ang pasahero kakaunti," ani Glenda Casimero, na 25 taon nang nagtitinda sa lugar.

Ayon sa Marine and Industry Authority Regional Office, mas mababa ngayong taon ang bilang ng mga pasahero sa Batangas port.

ADVERTISEMENT

Noong Linggo, Oktubre 29, nasa 21,000 pasahero ang bumiyahe mula Batangas port habang 8,000 ang dumating mula sa mga probinsya.

Tinatayang nasa 4,100 ang dumating sa port noong Lunes, Oktubre 30.

--Ulat ni Fay Virrey, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.