Delivery rider sugatan nang masagasaan ng kotse sa Roxas Boulevard | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Delivery rider sugatan nang masagasaan ng kotse sa Roxas Boulevard

ABS-CBN News
Published Oct 30, 2020 08:25 AM PHT

MAYNILA - Sugatan ang isang delivery rider matapos masagasaan ng kotse sa Roxas Boulevard, Maynila Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Renato Olimba, 36, residente ng Las Piñas City.

Ayon sa mga nakakita, isang kotse sa Roxas Boulevard ang biglang lumiko papuntang Pedro Gil Street at nasagasaan ang motorsiklo na minamaneho ni Olimba.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo at braso, at nabali ang paa ng biktima dahil sa salpukan. Nirespondehan ito ng mga volunteer group na nagsagawa ng first aid pero umabot ng higit 1 oras bago madala sa ospital ang biktima.

Ayon sa mga rumesponde, walang ospital na nagkumpirmang magpapadala ng ambulansiya. Problema na umano ito sa pagresponde ng mga aksidente ngayong panahon ng pandemya.

Dumating din kinalaunan ang ambulansiya ng Philippine Red Cross-Manila Chapter para dalhin ang rider sa pinakamalapit na ospital.

Nasa kustodiya naman ng Manila Police District-Traffic Investigation and Enforcement Unit ang drayber ng kotse na nakabangga sa motorsiklo. - Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Read More:
Teleradyo
Sakto
delivery rider vehicular accident Manila
Manila vehicular accident
delivery rider injured Roxas Boulevard
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT