Ilang kalsada sa Maynila sarado sa Undas

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2019 05:05 AM | Updated as of Oct 30 2019 09:01 AM

MAYNILA—Nag-abiso ang Manila Police District (MPD) Traffic Enforcement Unit na isasara simula Huwebes ang ilang kalsada na malapit sa Manila North Cemetery.

Sarado ang Aurora Boulevard mula Dimasalang hanggang Rizal Avenue. Sarado rin ang Dimasalang mula Makiling hanggang Blumentritt. Hindi rin madadaanan ang bahagi ng P. Guevarra, Blumentritt, Retiro at Leonor Rivera. 

Bawal pumarada sa Retiro at Laon Laan kaya apektado ang mga pupunta ng Manila North Cemetery at Dangwa. 

Puwede naman pumarada sa kahabaan ng Craig St., Simon, F. Huerta, Sulu, Oroquieta at Metrica.

Ipatutupad itong traffic advisory simula alas-10 ng gabi ng Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3.—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.