Bus sumalpok sa nakaparadang truck, 3 patay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bus sumalpok sa nakaparadang truck, 3 patay

Rizza Mostar,
ABS-CBN News
Published Oct 30, 2019 12:03 PM PHT

LUPI, Camarines Sur – Tatlong katao ang nasawi at 8 iba pa ang nasugatan matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang pampasaherong bus sa nakaparadang dump truck sa bayan ng Lupi, Miyerkoles.

Nakilala ang mga nasawi na sina Adrian Segue, 20-anyos; Anacleto Golingan Jr., 70; at isang nakilala lamang sa pangalang Edith. Ang lahat ng nasawi ay isasailalim sa awtopsiya sa punerarya sa katabing bayan ng Sipocot.

Walong iba pa ang sugatan sa aksidente kung saan tatlo sa kanila ang dinala sa Bicol Medical Center sa Naga City.

Bumibiyahe mula Leyte papuntang Cubao ang Elavil Bus nang mangyari ang aksidente sa bahagi ng Rolando Andaya Highway sa boundary ng Barangay Bel-Cruz at Barangay Tanawan sa bayan ng Lupi.

ADVERTISEMENT
Ayon sa driver ng bus, nasilaw siya sa malakas na ilaw ng kasalubong na sasakyan kaya hindi niya napansin ang nakaparadang dump truck sa gilid ng kalsada.

Halos nahati ang bus sa tindi ng pagkakabangga.

"Ang kulay pa po nung truck halos kakulay ng gabi tapos wala man lang ilaw, walang reflector," ayon sa driver.

Sa imbestigasyon naman ng pulisya, nasiraan umano ang dump truck na may kargang graba kaya naitabi sa lugar.

May improvised warning device rin daw ito sa likuran.

"Nasira po 'yung radiator kaya hindi na pwedeng paandarin. Walang ilaw kasi walang battery pero may reflector binunggo niya," paliwanag ng driver ng dump truck.

Nahaharap ang driver ng bus sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injuries and damage to property.