Photos courtesy of PNP Dumaran
Photos courtesy of PNP Dumaran
Photos courtesy of PNP Dumaran
Photos courtesy of PNP Dumaran
Photos courtesy of PNP Dumaran
Iba't ibang uri ng endangered species ang nasabat ng otoridad sa bayan ng Dumaran sa Palawan.
Ayon sa kapulisan, nagpapatrolya sila kasama ang Bantay Dumaran nang madatnan nila ang mga endangered species sa isang paupahang bahay sa Purok Talisay, Barangay Magsaysay.
Nagsiksikan sa maliit na mga kahon ang Palawan peacock pheasant, musang, ahas na binturan, Palawan stink badger, otter, white squirrel at brown squirrel.
Isang alias Mike Artosilla ang nangungupahan sa lugar at nag-iipon diumano ng mga nasabing hayop para ibenta, ayon sa pulisya. Hindi na naabutan ng otoridad ang suspek.
Ayon sa Palawan Council for Sustainable Development, kabilang sa mga itinuturing na endangered species ang mga nahuling hayop.
Agad namang itinurn-over sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center ang mga ito.
Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regional news, tagalog news, Dumaran, Palawan, endangered species, site only,slideshow