8 patay nang tumaob ang bangka sa Laguna de Bay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
8 patay nang tumaob ang bangka sa Laguna de Bay

Kristine Sabillo,
ABS-CBN News
Published Oct 30, 2017 10:22 AM PHT

MAYNILA - Walo ang patay habang 5 ang nakaligtas nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Laguna de Bay, bahagi ng Barangay Wawa, Binangonan, Rizal nitong Linggo.

Kinilala ang mga namatay na sina Malou Gimena, 39; Marilou Papa, 44; Frederick Orteza, 43; Jiannah Pareño, 2; Rolino Pareño, Sean Wilfred Orteza, 6; at sina Weldy Pareño at Neymariet Mendoza.

Ayon sa pulisya, papunta ang grupo sa isang fish pen upang magsalo-salo para sa kaarawan ng isang kaibigan nang mangyari ang aksidente.

Nag-selfie umano ang ilan sa kanila sa gilid ng bangka na walang katig, dahilan para ito tumaob. Agad rumesponde ang Coast Guard at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Maaaring nalunod ang mga biktima dahil nadaganan sila ng bangka na gawa sa fiberglass, ayon sa mga awtoridad.

Hindi tulad ng kahoy na bangka, madali umanong lumubog ang bangkang gawa sa fiberglass kapag tumaob na.