PANOORIN: Landslide sa Brgy Busay, Cebu City dahil sa bagyong Paeng | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Landslide sa Brgy Busay, Cebu City dahil sa bagyong Paeng

PANOORIN: Landslide sa Brgy Busay, Cebu City dahil sa bagyong Paeng

Vilma Andales,

ABS-CBN News

Clipboard

Walong bahay ang nasira sa pagguho ng lupa sa sitio Graje, barangay Busay, Cebu City pasado alas kuwatro ng hapon ngayong Sabado.

Ayon sa hepe ng Cebu City Disaster Risk Reduction Management Office Harold Alcontin, may 10 pamilya ang apektado sa trahedya.

Ayon naman sa barangay treasurer na si Mira Miscala, kabilang sa mga bahay na nasira ay sa barangay Kapitan na si Maria Christia Famador, bahay ng kanyang nanay at dalawa pang kapatid.

Dagdag ni Alcontin dahil sa walang tigil na pag-ulan dahil sa bagyong Paeng ay tuluyan nang gumuho ang lupa. Nauna rito ay may minor landslide na nangyari sa nakaraang linggo.

ADVERTISEMENT

Wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari dahil nakalikas kaagad ang mga nakatira.

Ang barangay Busay, ayon kay Alcontin, ay landslide-prone kayat palagi nila itong pinagtutuunan ng pansin lalo na kung may mga malalakas na pag-ulan at agaran silang nagsasagawa ng mga pre-emptive evacuation lalot na sa mga lugar na delikado.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.