Higit P2-bilyong halaga ng taklobo nasabat sa GenSan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit P2-bilyong halaga ng taklobo nasabat sa GenSan

ABS-CBN News
Published Oct 29, 2019 02:42 AM PHT
|
Updated Oct 29, 2019 05:56 AM PHT

GENERAL SANTOS CITY—Nasabat ng mga awtoridad ang higit P2 bilyong halaga ng taklobo sa Barangay Bawing, General Santos City nitong Lunes.

Ikinasa ang operasyon matapos silang makatanggap ng sumbong ukol sa tone-toneladang taklobo na nakatambak sa lugar, ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Davao Region assistant regional director Exzel Hernandez.

"Visually talagang may stockpile ng mga items na 'yon that's why we opted to confiscate these endangered clams without the benefit of a warrant," aniya.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Soccsksargen, galing sa iba't ibang lugar ang mga taklobo na aabot sa 120,000 na tonelada.

Ibinibenta umano sa halagang P2,000 kada kilo ang mga taklobo.

"Ang violation nito is mayroong imprisonment na 5 to 8 years plus a fine of P300,000 to P3 million," ani Jose Andrew Abello, fishing regulation officer ng BFAR-Soccsksargen.

Depensa ng mga hunter, wala silang nilabag na batas dahil galing umano sa bundok ang mga taklobo. Nagpakita din sila ng treasure hunting and disposition of recovered treasures permit.

Giit naman ng BFAR, ilegal pa rin ito, mapabundok man o dagat.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng mga taklobo.

Ginagawa umanong alahas ang mga taklobo tulad ng perlas. Isa rin umano ito sa mga ingredient sa paggawa ng cosmetic products.—Ulat ni Kent Abrigana, ABS-CBN News