Mayor Ernida Reynoso ng Tayabas City, pumanaw na sa edad na 77 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mayor Ernida Reynoso ng Tayabas City, pumanaw na sa edad na 77

ABS-CBN News
Published Oct 28, 2022 10:24 PM PHT

Sumakabilang buhay na sa edad na 77 ang mayor ng Tayabas City na si Mayor Ernida Agpi Reynoso.

Ayon sa City Information and Community Relations Office (CICRO) ng Tayabas, ang alkalde ay pumanaw nitong Biyernes ng hapon.

Si Reynoso ay ay nasa ikatlong termino ng kanyang panunungkulan bilang nayor ng Tayabas City.

Walang ibinigay na detalye pa ang CICRO sa dahilan ng pagpanaw ng mayor, maging ang pamilya nito.
Walang ibinigay na detalye pa ang CICRO sa dahilan ng pagpanaw ng mayor, maging ang pamilya nito.
ADVERTISEMENT
Nitong mga nakaraang araw ay pansamantalang umaakto ang anak nito na si Vice Mayor Lovely Reynoso bilang alkalde dahil sa pagkakaospital nito dahil sa isang karamdaman.

Humihiling naman ng panalangin ang pamilya at mga kaanak at maging ang bumubuo ng pamahalaang lokal para sa yumao.

Ayon pa sa CICRO, agad nilang ipababatid sa puliko ang mga karagdagang detalye kaugnay ng iba pang gawain kaugnay sa pagpanaw ng alkalde.

- ulat ni Ronilo Dagos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT