Baha sa Balete, Aklan lagpas bubong; 915 katao inilikas | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Baha sa Balete, Aklan lagpas bubong; 915 katao inilikas

Baha sa Balete, Aklan lagpas bubong; 915 katao inilikas

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Mahigit 900 katao ang inilikas sa Balete, Aklan matapos umabot ng lagpas bubong ang baha dahil sa malakas na ulang dala ni tropical storm Paeng, ayon sa ulat ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office.

Ayon kay Hera Grace Jimera, MDRRMO OIC ng Balete, Aklan, ito ang unang beses na nangyari ang pagtaas ng baha na umabot hanggang bubong ng mga bahay.

"Lagpas bubong ng kabahayan. Ngayon lang talaga sa buong buhay namin dito," aniya.

Wala pang kuryente sa Balete at gumagamit lang ng generators ang ilang kabahayan. Walang naitalang casualties sa pagbaha matapos ilikas ang 915 katao sa mga mabababang lugar.

ADVERTISEMENT

"Mabilis lang po ang paghupa pero nag high tide ulit kagabi kaya tumaas ulit," aniya.

"We are providing their meals. May stockpiling kami sa (local government unit). Kapag uuwi na sila, binibigyan namin ng foodpacks."

Plano namang magrekomenda ng state of calamity ng mga opisyal dahil sa tindi ng baha.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.