54% ng mga bata nangangamba, malungkot sa kabila ng pandemya, ayon sa child welfare office | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
54% ng mga bata nangangamba, malungkot sa kabila ng pandemya, ayon sa child welfare office

Arra Perez,
ABS-CBN News
Published Oct 28, 2020 07:40 PM PHT
|
Updated Oct 28, 2020 08:49 PM PHT

MAYNILA (UPDATED) — Pumalo sa 54 porsyento ng mga kabataan ang nagpahayag ng kalungkutan, takot at pangamba sa kasagsagan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic batay sa isang survey, ayon sa Council for the Welfare of Children (CWC).

Ayon kay CWC executive director Mary Mitzi Cajayon-Uy, bukod sa physical health, may epekto rin ang pandemya sa mental at psychosocial health ng mga bata.

Base sa survey ng partner agencies ng opisina at mga non-government organization, ayon kay Uy, nasa 52.7 porsyento ng mga kabataan naman ang may pangambang magambala ang kanilang pag-aaral ngayong may pandemya.

During the virtual presscon for the National Children's Month, Council for the Welfare of Children Exec. Dir. Mary Mitzi Cajayon-Uy says more than 29,000 children have been infected with COVID-19, as of Oct. 25 (📷CWC FB Live) @DZMMTeleRadyo @ABSCBNNews pic.twitter.com/ZkWc1o6fEN
— Maria Arra Perez (@arraperezDZMM) October 28, 2020

Umabot din daw sa 41 porsyento na mga bata ang nagsabing umiiral ang pisikal at sikolohikal na pamamaraan ng parusa sa kanilang mga tahanan.

Nasa 14 porsyento naman ng mga batang may kapansanan ang may pagbaba ng estado ng mental health.

Sinisikap naman ng Department of Education (DepEd) na maaksyunan ang concerns kaugnay sa modules ngayong ipinatutupad ang distance learning.

“Pag-aaralan po namin ang lahat ng mga feedback hindi lamang ng ating mga mag-aaral at pati na ung mga teachers natin, kung kailangan magkaroon ng adjustments, gagawin po namin ’yon,” sabi ni DepEd Asec. Alma Ruby Torio.

Payo naman ng National Center for Mental Health (NCMH) sa mga magulang at guardian, pakinggan ang mga bata at hayaan silang maglabas ng kanilang mga saloobin.

“Importante po ‘yong mararamdaman nila na ‘pag nasa bahay sila, nanay nila ay kampante, ‘yong mga kapatid nila ay kampante, everyone in the house is just doing their own thing as normally as possible, then they take their cues from them,” ani Frances Prescilla Cuevas, national program manager ng NCMH.

Samantala, umabot naman na sa 29,420 ang mga batang tinamaan ng COVID-19 as of Oktubre 25, ayon sa CWC.

Paliwanag ni Uy, 25,550 sa mga ito ang gumaling na sa sakit, habang 140 naman ang naitalang mga nasawi.

Sa Nobyembre ipagdiriwang ang National Children's Month na may temang “Sama-samang Itaguyod ang Karapatan ng Bawat Bata sa Panahon ng Pandemya.”

Read More:
COVID-19
children
youth
bata
mental health
DepEd
NCMH
Council for the Welfare of Children
Tagalog news
patrolph
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT