12 pamilya sa UP Diliman campus nawalan ng bahay matapos mabagsakan ng puno | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

12 pamilya sa UP Diliman campus nawalan ng bahay matapos mabagsakan ng puno

12 pamilya sa UP Diliman campus nawalan ng bahay matapos mabagsakan ng puno

ABS-CBN News

Clipboard

Bumagsak ang isang malaking puno ng ipil-ipil sa mga bahay sa Pook Arboretum dahil sa malakas na hangin at walang tigil na ulan na dala ng bagyong Pepito. Jervis Manahan, ABS-CBN News

Humihingi ng tulong ang 12 pamilyang nawalan ng bahay noong nakaraang linggo matapos bumagsak ang isang malaking puno sa Barangay UP Campus sa Quezon City.

Bumagsak ang isang giant ipil-ipil tree sa mga bahay sa Pook Arboretum noong Oktubre 20 dahil sa malakas na hangin at walang tigil na ulan na dala ng bagyong Pepito.

Ilang talampakan lang ang layo ni Lorna Ordiz sa punong bumagsak kaya inakala niyang hindi na siya makakaligtas.

“Grabe ang kaba, trauma… Feeling namin sa'min pupunta, dumapa na lang ako diyan, pinanood [namin ang] pagbagsak ng kahoy,” ani Ordiz.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Posibleng lumambot na rin ang lupang nakapaligid sa puno kaya mabilis ang pagbagsak ng higanteng punong kahoy.

Halos wala nang natira sa ilang bahay at may ilan namang na-trap dahil hindi agad nakalabas.

Nasugatan din ang isang bata na agad isinugod sa ospital.

Ang ilan sa mga residente, wala nang natuluyan nang manalasa naman ang bagyong Quinta ngayong linggo.

Sa jeep muna nanirahan si Louella Belardo at ang kaniyang pamilya.

ADVERTISEMENT

Nakisilong na muna sa ibang kapitbahay ang ilang pamilya.

Nabibigyan naman daw sila ng relief packs pero mas kailangan daw umano nila ng materyales.

“Sana matulungan kami na maitayo 'yung bahay ulit,” ani Belardo.

— Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad