PANOORIN: Halloween rally para sa dagdag sahod ng mga guro | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Halloween rally para sa dagdag sahod ng mga guro

PANOORIN: Halloween rally para sa dagdag sahod ng mga guro

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 28, 2019 10:54 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA- Nanawagan ng dagdag sahod nitong Lunes ang ilang gurong nakasuot pa ng Halloween costume, ilang araw bago ang Undas.

Ilan sa mga costume ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers na nagprotesta sa tanggapan ng Department of Budget and Management ay ang White Lady, Kamatayan, Manananggal, at mga skeleton.

Nanawagan silang itaas ang minimum wage ng mga guro at iba pang kawani sa sektor ng edukasyon sa bansa.

Paliwanag ni ACT national chairperson Joselyn Martinez, tila hinihila na aniya ni Kamatayan ang mga guro dahil sa hirap na nararamdaman dulot ng kakarampot na sahod.

ADVERTISEMENT

Mayroon din nagsuot ng maskara ng mukha nina Pangulong Rodrigo Duterte, Budget Secretary Wendel Avisado, at Education Secretary Leonor Briones.

Paliwanag ni Martinez, kulang umano ang P31 bilyon na nakalaan para sa taas ng sahod ng mga guro sa loob ng 2020 budget.

Pinuna rin ng grupo na inuna pa ng pamahalaan na taasan ang sahod ng mga pulis at maglaan pa ng mas malaking pondo sa mga proyektong imprastraktura.

-ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.