#WalangPasok: Oktubre 29, Lunes - Oktubre 31, Miyerkoles

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2018 04:30 PM | Updated as of Oct 29 2018 07:16 AM

MAYNILA - (5th UPDATE) Walang pasok sa mga lugar na ito sa Oktubre 29, Lunes, hanggang Oktubre 31, Miyerkoles, dahil sa inaasahang pananalasa ng bagyong Rosita.

LAHAT NG ANTAS

  • Abra (buong lalawigan, Lunes hanggang Miyerkoles)
  • Baler, Aurora (Lunes)
  • Cagayan (buong lalawigan, Lunes)
  • Calanasan, Apayao (Lunes hanggang Miyerkoles)
  • Ilocos Sur (buong lalawigan, Lunes hanggang Miyerkoles)
  • Isabela (buong lalawigan, Lunes hanggang Miyerkoles).
  • Lingayen, Pangasinan (Lunes)

PRESCHOOL

  • San Fernando, La Union (Lunes)

Inaasahang tatama ang bagyo sa Isabela-Aurora area sa Martes at magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa hanggang sa All Saints' Day sa Huwebes.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.