PAALALA: Mga bawal dalhin sa bus terminal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

PAALALA: Mga bawal dalhin sa bus terminal

PAALALA: Mga bawal dalhin sa bus terminal

Ron Lopez,

ABS-CBN News

Clipboard

Nasa 20 pasahero ang nahulihan ng matatalim na bagay sa Araneta Center bus terminal ngayong Sabado.

Nakumpiska mula sa mga pasahero ang matatalim na bagay tulad ng kutsilyo, itak, bolo at lagari.

Nagpaalala ang mga awtoridad sa mga uuwi ng probinsiya na huwag magdala ng mga ipinagbabawal na bagay. Bukod sa mga patalim, ipinagbabawal din ang pagdadala ng wire, flammable materials at alak.

Pinapagayang bumiyahe ang mga pasaherong nahulihan ngunit iiwan nila ang mga nakumpiskang gamit na makukuha nila sa kanilang pagbabalik.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, nananatiling maluwag at manageable ang sitwasyon sa terminal.

Bagamat mas marami kumpara sa normal na araw ang dating ng mga pasahero, hindi pa nagkakaubusan ng mga ordinary bus.

Nahihirapan lamang ang mga pasahero sa pagbili ng ticket sa mga airconditioned bus dahil fully booked na umano ang ilan dito para sa mga petsang Oktubre 30 at Oktubre 31.

Nanatiling mahigpit ang seguridad at naka-deploy ang ilang pulisya, K-9 units at security personnel ng terminal.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.