Mga pasahero dagsa na sa Batangas Port | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pasahero dagsa na sa Batangas Port
Mga pasahero dagsa na sa Batangas Port
Paulo Ferrer,
ABS-CBN News
Published Oct 27, 2018 11:43 AM PHT

BATANGAS CITY – Nagsimula na ang pagdagsa ng mga pasahero sa Batangas Port na pauwi sa kani-kanilang probinsiya para sa paggunita ng Undas.

Karamihan sa mga pasahero ay mas piniling agahan ang pag-uwi para makaiwas sa dagsa ng mga biyahero at sa posibleng pagkaantala ng biyahe na maaring idulot ng bagyong Rosita na nakapasok na sa bansa, Sabado ng umaga.

Tiniyak naman ng Philippine Coast Guard Batangas at ng Asian Terminals Inc (ATI) na nananatiling prayoridad nila ang seguridad at kaligtasan ng mga pasahero.

Naka-deploy na ang dagdag na mga K9 unit at tauhan ng Philippine Coast Guard habang naglagay ng mga bagong walk-thru metal detector ang ATI.

ADVERTISEMENT
Nagpaalala naman sila sa mga biyahero na sumunod na patakaran sa loob ng pantalan para maiwasan ang delay sa biyahe at manatiling nakaantabay sa mga anunsyo kaugnay sa posibleng kanselasyon ng biyahe dahil sa paparating na bagyong Rosing.