Driver ng kotseng dumaan sa EDSA Bus Lane, hindi ulit sumipot sa LTO | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Driver ng kotseng dumaan sa EDSA Bus Lane, hindi ulit sumipot sa LTO

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Oct 26, 2022 02:25 PM PHT

MAYNILA — Hindi sumipot ngayong Martes sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa ikalawang pagkakataon ang natukoy na may-ari ng sports car na dumaan sa EDSA Bus Lane.

Matatandaang unang naglabas ng show-cause order ang LTO laban sa foreign national na may-ari ng sports car para mag-report noong Lunes pero hindi ito nagpakita sa tanggapan ng LTO.

Sa imbestigasyon ng LTO, disregarding of traffic sign ang naging paglabag ng may-ari ng sports car na may accessory penalty na suspensiyon ng 90 araw ang kanyang driver's license.

"Nananatili ang car registration na naka-alarma. Hindi malilift ang alarm niya until such time na hindi siya magrereport sa ating tanggapan,” ayon kay Renante Melitante, hepe ng LTO Intelligence ang Investigation Division.

Sa record ng LTO, 2021 nairehistro ang naturang sports car at sa 2024 pa ito mapapaso.

Pinatutukoy na rin ng ahensya ang itim na sasakyang kasunod ng sports car na dumaan sa EDSA Bus Lane.

"Nakikipag-ugnayan na rin kami sa MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) pati Highway Patrol Group kung mayroon source natin na makuha ‘yong plaka ng sasakyan," ani Alex Abaton, special legal assistant sa LTO Office of the Assistant Secretary.

Inaasahang maglalabas ng resolusyon ang LTO kaugnay sa ipapataw na parusa sa natukoy na foreign national na may-ari ng sports car.

RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Land Transportation Office
traffic
traffic violation
EDSA Bus Lane
EDSA Bus Carousel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT