Mga ina na 'pinaasa' ng SSS sa malaking maternity benefit nagreklamo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga ina na 'pinaasa' ng SSS sa malaking maternity benefit nagreklamo

Mga ina na 'pinaasa' ng SSS sa malaking maternity benefit nagreklamo

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 26, 2019 08:37 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Ilang bagong-panganak na ina ang nadismaya sa Social Security System (SSS) dahil umano sa ginawang pagpapaasa nito na malaki ang makukuha nilang maternity benefits.

Ayon sa ilang ina, sari-saring payo ang ibinigay ng SSS para umano sa mas malaking benepisyo, pero kalaunan ay hindi naman ganon kalaki ang nakuha nilang halaga.

Si Annalyn Galang-La Rosa na nanganak noong Hulyo, pinayuhan ng SSS na maghulog mula Enero hanggang Marso para sa mas malaking maternity benefit pero laking gulat niya sa halagang natanggap.

"Nasa P22,750 na lang daw po ang makukuha namin imbes na P50,000 kasi may bago daw silang memo na hindi namin alam as a member. 'Pag di daw nakapaghulog bago ang semester ng panganganak, late payment na daw 'yun," sabi ng ina.

ADVERTISEMENT

Si Sunshine Magtabog naman na nanganak noong Setyembre, sinabihan ding qualified sa mas mataas na benefit basta magbayad ng 3 buwang kontribusyon.

"Sana nung umpisa pa lang nung magpa-file o magbabayad sinabi na hindi ka qualified. Di 'yung sasabihin 'pag nagawa na lahat. Nag-expect ka, sila nagsabi ito makukuha mo tapos wala pala," hinaing niya.

Si Jenny Lopez ng La Union, dismayado rin sa bagong patakaran para sa maternity benefit ng SSS.

"Sana kung mayroon kayong bagong memo, sinasabi niyo na over the counter, 'yung mga di ika-count na month... Pinapaasa niyo lang kami sa wala," sabi ni Lopez.

Pinagharap ng "Tapat Na Po" ang isa sa mga complainant na si Galang-La Rosa at ang SSS at doon nagpaliwanag ang ahensiya.

"Mayroon siyang binayaran na January, February, March, nawala 'yon, hindi na-consider sa computation dahil nga sa bagong batas so lumiit po," pag-amin ni SSS department manager Fernando Nicolas.

May payo din si Nicolas sa mga miyembrong nagbabalak mag-avail ng mas malaking maternity benefit.

"Dapat regular ang paghuhulog kasi mas maraming hulog, mas malaki makukuhang benepisyo sa SSS."

Sa mga konsumer na nais magpadala ng reklamo, mag-post lang sa Facebook page ng Tapat Na Po.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.