Babae patay sa pamamaril sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2019 04:14 AM

MAYNILA—Patay ang isang babae matapos barilin ng hindi pa kilalang salarin sa Barangay 650, Maynila Biyernes ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Roselle Mae Opada, 26 anyos.

Kuwento ng kinakasama ng biktima, naglalakad sila sa bahagi ng Railroad St. sa Port Area nang barilin si Opada.

Hindi raw niya nakita ang salarin dahil madilim ang kalsada nang mangyari ang insidente pasado alas-10 ng gabi.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pamamaril.—Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.