Alert level ng Mt. Kanlaon, ibinaba na

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2019 10:14 AM | Updated as of Oct 26 2019 10:54 AM

Mt. Kanlaon. File photo

(UPDATE) Ibinaba na ng Phivolcs ang alert status ng Mt. Kanlaon sa isla ng Negros.

Ito'y matapos bumaba ang bilang ng volcanic earthquakes na naitala mula Hunyo ng seismic monitoring network ng Kanlaon, ayon sa Negros Occidental Provincial Disaster Management Program Division.

Umaabot sa 2 na lang ang naitatalang volcanic activity sa bulkan bawat araw at ito ay nasa baseline level na.

Wala ring inaasahang magmatic eruption sa agarang hinaharap.

Pinaalalahan pa rin ng Phivolcs ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius na permanent danger zone dahil sa posibleng pagkahulog ng mga bato, avalanche, o biglaang pag-usok ng bulkan sa summit area.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.