'Tokhang' hinirang na Salita ng Taon 2018 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tokhang' hinirang na Salita ng Taon 2018

ABS-CBN News
Published Oct 26, 2018 04:52 PM PHT
|
Updated Oct 27, 2018 08:23 PM PHT

MANILA - Hinirang na Salita ng Taon para sa 2018 ang "tokhang" sa ginanap na "Sawikaan 2018: Pambansang Kumperensiya sa Salita ng Taon" sa University of the Philippines Diliman (UPD), Quezon City nitong Biyernes.

Ang salitang ito ay halaw sa kampanya ng Philippine National Police, kung saan kinakatok ang mga bahay ng mga hinihinalang sangkot sa droga para sila ay pasukuin.

Binigyan naman ng ikatlong gantimpala ang "Dengvaxia" at ikalawang gantimpala naman ang "fake news."

Nagiging nominado para sa Salita ng Taon ang isang salita kapag ito ay likhang salita, salitang ginagamitan ng bagong kahulugan, salitang kamakailan lang hinalaw mula sa dayuhang wika, o salitang nabuhay muli matapos mawala sa moda.

ADVERTISEMENT
Taong 2004 nang magsimula ang Sawikaan, na layong subaybayan ang mga pagbabago at pag-unlad ng wikang Filipino sa mga panlipunan at kultural na diskurso.

Sa mga nagdaang conference, napili bilang Salita ng Taon ang mga salitang "canvass" (2004), "huweteng" (2005), "lobat" (2006), "miskol" (2007), "jejemon" (2010), "wangwang" (2012), "selfie" (2014) at "fotobam" (2016).