Bata, sugatan matapos lumiyab ang costume sa paaralan sa Davao | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bata, sugatan matapos lumiyab ang costume sa paaralan sa Davao

ABS-CBN News
Published Oct 25, 2019 08:17 PM PHT

DAVAO CITY—Napalitan ng lungkot ang sana’y masayang intramurals ng mga estudyante ng Holy Cross College of Calinan matapos magtamo ng matinding paso ang isang babaeng estudyante sa harap mismo ng kaniyang mga kaklase nitong Biyernes.

Nasunog sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang 12-anyos na mag-aaral ng Grade 7 matapos masunog ng kandila ang sinusuot niyang creative costume na gawa sa abaca.

Nasa loob ng kaniyang silid-aralan ang bata nang sumiklab ang kaniyang costume bago siya pinagulong at tinakpan ng basang tela.

"Sa aming imbestigasyon, may kandila sa sahig na ginamit nilang pangtunaw sa glue stick na ipinandikit sa iba pang decoration na nilalagay nila sa costume ng biktima. Hindi nila namalayan. Plus, nilagyan pa nila ng spray paint ang abaca kaya ang daling kumalat ng apoy kaya siya nasunog," ayon kay Police Maj. Arquimedes Wesley, commander ng Calinan Police Station.

ADVERTISEMENT
Ang biktima umano ay representative ng kanilang klase sa intrams na gaganapin sana sa hapon.

Bukod sa bata, nagtamo rin ng minor burns ang dalawang guro matapos silang yakapin ng biktima.

Wala namang nasaktan sa mga kaniyang kaklase.

Agad dinala ang biktima sa Southern Philippine Medical Center.

Hindi pa nagpapalabas ng official statement ang nasabing paaralan.