Pacquiao: Scammers ginagamit ang pangalan ko para manghingi ng pera | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pacquiao: Scammers ginagamit ang pangalan ko para manghingi ng pera

Pacquiao: Scammers ginagamit ang pangalan ko para manghingi ng pera

ABS-CBN News

Clipboard

Ipinaalam ni presidential candidate Manny Pacquiao na may mga scammer na ginagamit umano ang pangalan niya para manghingi ng pera.

Sa pahayag ng retiradong world champion boxer nitong Sabado, sinabi niyang may mga indibidwal na ginagamit ang pangalan niya para kumita.

Dagdag pa niya, kung may gumagawa raw ng ganitong modus, sinisiguro ni Pacquiao na siya mismo ang mag-aabot ng pabuya sa mga magsusumbong sa kaniya.

"Gusto ko lang iaddress ang mga concern natin na dapat malaman ninyong lahat na maraming nagdadala ng pangalan ko, gumagamit at nanghihingi ng pera," mungkahi ni Pacquiao.

ADVERTISEMENT

"Kung ako'y mamimigay ng sarili kong pera, ako po mismo ang pumupunta sa inyo at sa mga kababayan natin para mamigay ng tulong."

Nanawagan siyang agad na ipagbigay-alam sa kaniyang kampo sa numerong (0960) 523-8987 at (0960) 523-8988 ang sinumang nanamantala gamit ang pangalan ni Pacquiao, na nakilala sa pagtulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pamimigay ng salapi.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.