Ilang processed pork products nagpositibo sa ASF; traders nabahahala | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang processed pork products nagpositibo sa ASF; traders nabahahala

Ilang processed pork products nagpositibo sa ASF; traders nabahahala

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 24, 2019 08:36 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) - Kinumpirma ng Department of Agriculture nitong Huwebes na nagpositibo sa African swine fever ang ilang processed pork products na naharang sa Mindoro.

Ayon sa DA, mga hotdog, longganisa, at tocino na galing Central Luzon ang naharang sa pantalan.

Tumanggi muna ang Department of Agriculture na sabihin kung anong kompanya o brand ng processed meat ang nagpositibo.

Pero tiniyak naman nila na hindi naman daw ito malakihang kompanya.

ADVERTISEMENT

Gayunman, dapat na raw i-recall o tanggalin mula sa mga pamilihan ang mga meat product ng kompanya.

Ikinadismaya ng Philippine Association of Meat Processors Incorporated ang balita sa epekto nito sa kanilang industriya.

"Nakakalungkot this is happening at a worst time para sa amin. 66 provinces out of 81 has issued bans sa pagpasok ng aming produkto sa kanilang constituencies," ani Rex Agarrado, tagapagsalita ng PAMPI.

Batay sa datos ng DA, aabot sa 60 porsiyento ng kinakaing karne ng mga Pinoy ay pork. Ang Pilipinas din ang ika-8 pinamalaking pork producer.

Nag-aangkat ng aabot sa 90 hanggang 95 porsiyento ng karne ang PAMPI para sa kanilang mga produkto. Galing daw ito sa mga ASF-free na bansa na sumusunod sa international standards.

ADVERTISEMENT

BRAND DAPAT PANGALANAN

Una na ring iginiit ng PAMPI na dapat sabihin sa kanila ang mga brand na nagpositibo sa ASF.

"Very unfair 'pag walang brand na ime-mention kasi lahat tatamaan. Sa totoo lang hindi kami maka-respond. Wala kaming hawak [na impormasyon]," ani Agarrado.

"Let's respect each other, kami po ang bigyan ninyo [ng impormasyon], kami po ang apektado," dagdag niya.

Sang-ayon dito si Trade Undersecretary Ruth Castelo.

"Siguro ang BAI (Bureau of Animal Industry) dapat pangalanan nila. On the part of DTI, we can ask Food and Drug Administration na i-recall ang produkto sa merkado," ani Castelo.

ADVERTISEMENT

Tiniyak naman ni Health Undersecretary at FDA officer-in-charge Eric Domingo na walang epekto sa tao ang pagkain ng processed na pagkain na apektado ng ASF.

"Its safe for human consumption at saka wala po kahit anong threat ito pong virus na ito. Naaapektuhan lang po nito ay mga baboy, ang mga tao po eh completely wala pong epekto ito sa atin," aniya.

Nangako naman ang DA na isasapubliko ang brand name at kompanyang apektado ng ASF kapag natapos ang kanilang validation.

-- May ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.