Sanggol patay nang 'makalunok ng buto ng manok' | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sanggol patay nang 'makalunok ng buto ng manok'

Sanggol patay nang 'makalunok ng buto ng manok'

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 24, 2018 02:35 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Namatay noong madaling araw ng Linggo ang isang 1-anyos na sanggol mula Laoag City matapos makalunok ng hinihinalang buto ng manok.

Isinugod noong Sabado sa ospital ang batang si Javen Lee Joaquin matapos mapansin ng kaniyang ina na tila may naisubo at nalunok siya, kuwento ng lolang si Minerva Tulali.

Pinauwi naman agad ang mag-ina dahil sinabi raw ng doktor na obserbahan muna ang bata at baka mailabas din nito ang nalunok.

Pero bandang alas-5 ng hapon, nahirapan na umanong makahinga si Joaquin kaya bumalik sila sa ospital.

ADVERTISEMENT

Dalawang oras umanong naghintay sina Joaquin para sa doktor pero hindi raw narinig ng mga ito na sila ay tinawag at umuwi na ang doktor, ani Tulali.

Inilipat ng ospital ang bata at agad inasikaso pero dahil nabatid na kritikal na ang lagay, inirekomenda umano na ilipat siya sa isang ospital sa La Union.

Nang mailipat, nalaman sa X-ray na may nalunok na matulis na bagay si Joaquin.

Hinala ng pamilya ay buto ng manok ang nalunok ng bata dahil tinolang manok ang kanilang kinain bago ang mga pangyayari, ani Tulali.

Binawian ng buhay si Joaquin noong alas-3 ng madaling araw ng Linggo.

ADVERTISEMENT

Sa Huwebes nakatakdang pumunta sa ospital sa La Union si Tulali para kuhanin ang death certificate at malaman ang tunay na ikinamatay ng kaniyang apo.

Ayon kay Allan De La Cruz, ang doktor na unang tumingin sa bata, pinayuhan niya ang ina na agad bumalik sa kaniya sakaling nahirapan nang huminga ang bata.

Ayon naman sa pamunuan ng ospital, magkakasa sila ng imbestigasyon para malaman kung may mananagot sa nangyari.

--Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.