Bata, iniwan sa gilid ng tindahan sa Tondo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Bata, iniwan sa gilid ng tindahan sa Tondo

Bata, iniwan sa gilid ng tindahan sa Tondo

Jervis Manahan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 16, 2019 01:08 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Isang batang lalaki ang iniwan sa gilid ng tindahan sa Tondo, Maynila.

Mga kagawad ng Barangay 212 sa Tondo na muna ang nangangalaga sa bata.

Natagpuan ng mga naglalarong kabataan ang bata na umiiyak at walang kasama.

Ayon sa ilang nakakita, iniwan ng isang babae ang bata nitong Linggo ng gabi. Agad dinala sa barangay ang bata na tinatayang nasa 2 anyos.

ADVERTISEMENT

"Ipinagtanong-tanong na namin sa mga kalapit na barangay, walang may kakilala," ani Evelyn Guadamor, kagawad ng Barangay 212.

May galos sa pisngi ang bata at tila nanghihina pa. Napag-alaman na may sakit ito sa baga matapos ipakonsulta sa doktor.

"Kapag nauubo siya, parang nagsusuka, halatang malnourished," dagdag ni Guadamor.

Ipinost na rin ang larawan ng bata sa social media. Nakatakdang i-turn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bata. ​

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.