Rapper na si LilJohn, patay sa pamamaril sa Cavite | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rapper na si LilJohn, patay sa pamamaril sa Cavite

Rapper na si LilJohn, patay sa pamamaril sa Cavite

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 21, 2019 07:28 PM PHT

Clipboard

(UPDATE) Patay ang 35-anyos na si Jon Ross Delos Santos o mas kilala bilang ang FlipTop rapper si LilJohn matapos pagbabarilin sa Barangay Carsadang Bago 1, Imus City, Cavite Linggo ng hapon.

Ayon kay Police Lt.Col. Junar Alamo, hepe ng Imus City Police, nakaupo ang biktima sa motorsiklo nito sa tapat ng tindahan ng pagkain sa main road ng Legian 2B subdivision nang barilin sa ulo.

Itinakbo pa siya sa ospital ng Imus pero idineklarang dead on arrival.

Ayon sa pulis, 2 basyo ng bala ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.

ADVERTISEMENT

Taga Tambo, ParaΓ±aque ang biktima na kilala sa pakikilahok sa mga FlipTop rap battle.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaril.

Nagpaabot ng pakikiramay ang FlipTop Battle League sa official Facebook page nito.

"Sa kabila ng ginagawa namin sa entablado, at sa kabila ng kahit anong di mapagsangayunan ng mga kasapi nito, may special unspoken bond talaga lahat ng emcees at hiphop, lalo't mula sa indibidwal at kolektibong pinagdaanan at pinaghirapan para sa kultura natin, para sa naging kung ano siya ngayon," ayon sa grupo.

"Kaya sobrang bigat, sobrang lungkot... Mula sa buong FlipTop, lahat ng nakasama mo sa hiphop, at lahat ng napasaya at nainspira mo sa battle rap..." dagdag pa ng FlipTop.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.