Babae huli sa paggamit ng credit card ni Angelica Panganiban | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae huli sa paggamit ng credit card ni Angelica Panganiban

Babae huli sa paggamit ng credit card ni Angelica Panganiban

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Arestado ang isang babae sa hindi awtorisadong paggamit ng credit card ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

Kinilala ang suspek na si Agatha Reyes, na inaresto sa bisa ng isang arrest warrant sa kaniyang bahay.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) umaabot sa P5,000 ang ginamit mula sa credit card ni Panganiban at nagtangka umano ang suspek na gamitin ito sa casino sa halagang P500,000.

"We asked our artist to do a cartographic sketch, noong na-verify may nakuha tayong warrant of arrest. Noong nakausap natin siya (Reyes) inamin niyang siya ang gumamit ng card," ani Ronald Aguto, hepe ng NBI- International Operations Division.

ADVERTISEMENT

Sa imbestigasyon ng NBI, lumalabas na ginagamit ng suspek ang orihinal na card ni Panganiban, na ipina-renew umano sa bangko.

Hinala ng NBI na may sabwatan na nangyari sa pagitan ng magpapadala dapat ng bagong card kay Panganiban at sa suspek.

"'Yung card nakukuka sa couriers, heto 'yung mga renewal ng cards tapos nagagawan nila ng paraan para ma-activate ito. It appears na magkakasabwat but it's hard to say, kung ano ang relationship ng courier sa bangko," ani Aguto.

Tumangging magbigay ng panayam ang suspek pero aniya, marami ang gumagawa ng kaniyang modus.

Abiso ng NBI, dapat usisain ang lahat ng transaksiyon sa bangko.

Nakakulong si Reyes sa kasong credit card fraud, bukod pa sa panibagong kaso na haharapin niya sa paggamit ng credit card ni Panganiban.

Pinaghahanap naman ng NBI ang mga kasabwat ng suspek. -- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.