Mga uuwing OFW, makakapag-apply na ng tech-voc courses sa airport | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga uuwing OFW, makakapag-apply na ng tech-voc courses sa airport

ABS-CBN News
Published Oct 21, 2018 07:10 PM PHT
|
Updated Sep 24, 2019 03:40 PM PHT

Kasalukuyang kumukuha ng kursong dressmaking sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Women Center ang dating overseas Filipino worker na si Rosalyn Laliyah, na nangangarap makapagtayo ng sariling patahian.

Sa loob ng isang dekada niyang pangingibang bansa, nagsimula si Laliyah bilang domestic helper hanggang sa maging dental assistant sa isang ospital sa Saudi Arabia.

Nanghihinayang man sa iniwang malaking kita abroad, mas pinili pa rin niyang makapiling ang pamilya sa Pilipinas.

"Aanhin mo 'yong malaking kita kung 'di ka naman masaya?" ani Laliyah.

ADVERTISEMENT
Mas madali nang makapag-a-apply sa mga programa ng TESDA ang mga nagbabalik-bansang OFW gaya ni Laliyah dahil sa mga itinayong TESDA OFWs' Desk sa mga international airport sa bansa.

Mula nang magkaroon ng mga OFWs' Desk noong Mayo 2018, halos 1,500 OFWs na ang natutulungan ng mga ito, karamihan ay mula Middle East.

Sa OFWs' Desk, maaaring magtanong ng mga available na kurso, humingi ng referral para sa skills training at mag-renew ng national certificate.

Puwede ring aplayan ang mga libreng technical-vocational training program na inaalok ng TESDA.

Bukod sa libreng matrikula, makatatanggap din ang mga mag-e-enrol sa technical-vocational program ng allowance, at allowance para sa mga instructional material.

--Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
hanapbuhay
trabaho
overseas Filipino worker
OFW
TESDA
technical-vocational course
tech-voc
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT