Tulay sa Pangasinan, bumigay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tulay sa Pangasinan, bumigay

Tulay sa Pangasinan, bumigay

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 21, 2022 07:35 PM PHT

Clipboard

Larawan mula kay Bayan Patroller Ar-jay Frias
Larawan mula kay Bayan Patroller Ar-jay Frias

Bumigay ang isang bahagi ng Carlos P. Romulo Bridge sa Brgy. Wawa, Bayambang, Pangasinan nitong Huwebes.

Sa ibinahaging litrato ni Bayan Patroller Ar-jay Frias, makikita ang dalawang truck na natumba nang dumaan sa tulay.

Ayon kay Frias, nagkataong nasa bahay siya ng kanyang kaibigan sa Brgy. Wawa nang mangyari ang insidente kaya lumapit siya para tignan kung ano ang nangyari.

Natakot aniya siyang lumapit sa pinangyarihan kaya nakisuyo siya sa isang taong naroon din sa lugar para kuhanan ang tulay gamit ang kanyang smartphone.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

Ang timestamp ng mga litrato sa kanyang smartphone ay 4:14 p.m.

Sa kanyang Facebook account, nag-post naman si Mayor Niña Jose-Quiambao na 3:37 ng hapon nag-collapse ang isang parte ng tulay.

Ayon sa mayora, dalawang truck ang nasangkot sa insidente. Na-rescue at isinugod na sa ospital ang mga sakay nito.

Ligtas naman daw ang mga tao, ayon pa din sa post ng mayora.

Kalakip ng post ni Jose-Quiambao ang isang public advisory na nagsasabing sarado muna ang tulay at hinihikayat ang mga biyahero na maghanap muna ng alternatibong daan.

—ulat ni Dabet Panelo

IBA PANG ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.