Canada, Guam, Portugal nangangailangan ng Pinoy workers | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Canada, Guam, Portugal nangangailangan ng Pinoy workers

ABS-CBN News
Published Oct 20, 2022 01:21 PM PHT

May alok na trabaho ang mga bansang Canada, Guam, at Portugal para sa mga manggagawang Pilipino, ayon sa mga opisyal.

Nangangailangan ngayong ang mga probinsya ng Saskatchewan at Alberta sa Canada ng mga Pinoy nurse, ayon kay Zaldy Patron, consul general sa Calgary.

Nagpapatuloy aniya ang hiring sa Saskatchewan, kung saan government to government ang pagkuha.

Lumagda naman ang Alberta ng kasunduan sa Department of Migrant Workers (DMW) para sa recruitment ng Filipino workers.

ADVERTISEMENT
Wala pang detalye kung ilang Pinoy nurses ang kailangan.

"For now, under the MOU (memorandum of understanding), nurses. Hindi natin alam kung later on mage-recruit pa sila ng mga medical technicians. So for now, 'yong MOU na pinirmahan ng Alberta is for nurses," ani Patron.

"Sa Saskatchewan naman, ang proposal natin na MOU sa kaniya ay for the healthcare workers so mas broader 'yong Saskatchewan," dagdag niya.

Karpintero, mason at engineer naman ang kailangan ng mga construction company sa Guam habang ang Portugal naman ay naghahanap ng highly skilled workers.

Para sa mga interesadong mag-apply, maaaring bisitahin ang website ng Department of Migrant Workers.

"Kagaya po ng ating OFWs (overseas Filipino workers) na naga-apply ng trabaho abroad, mag-e-register lang tayo sa dmw.gov.ph tapos po 'yong mga specific na requirements para sa bawat kategorya ng trabaho ay i-specify po ng ating mga employer," ani DMW Assistant Secretary Levinson Alcantara.