Binatilyo sugatan matapos aksidenteng mabaril ng sekyu sa Tagaytay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Binatilyo sugatan matapos aksidenteng mabaril ng sekyu sa Tagaytay

ABS-CBN News
Published Oct 19, 2022 05:33 PM PHT
|
Updated Oct 19, 2022 09:37 PM PHT

MAYNILA — Sugatan ang isang 16-anyos na lalaki matapos aksidenteng mabaril ng kaniyang kaibigang security guard sa Tagaytay, Cavite.

Nagbibiruan umano ang biktima at suspek nang aksidenteng pumutok ang baril ng guwardiya.

“Lasing po kasi ‘yung guwardiya. Tapos po, nilapitan niya po ako, kinuha niya ‘yung baril. Sabi niya sa akin, papatayin niya ako, tapos binaril niya ako. Pabiro po, pinagtitripan niya ako," sabi ng binatilyo.

Kuwento naman ng suspek: “Sabi niya, ‘Oh, ano-ano ginagawa mo diyan.’ ‘Hindi, gusto mo barilin kita.’ Pagkatutok ko nang ganon, ayun naputok. ‘Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya."

ADVERTISEMENT
Nagpapagaling ngayon ang biktima sa ospital matapos operahan.

Aminado ang suspek na nataranta siya at tumakas nang makitang may dalang itak ang tiyuhin ng biktima. Mabilis naman siyang natunton ng pulisya sa Las Piñas.

“Ito ay concerted effort ng community at local government. Ito ‘yung nagpapabilis ng proseso natin ng pag-iimbestiga at pagresolba ng mga nangyayaring insidente," ani Tagaytay police chief Charles Daven Capagcuan.

Masama ang loob ng pamilya ng biktima sa nangyari lalo't sila raw ang nagpapakain sa suspek.

“Napakasakit sa aking kalooban. Maliliit pa kasi, ako na nag-alaga sa kanila," anang lola ng biktima.
“Napakasakit sa aking kalooban. Maliliit pa kasi, ako na nag-alaga sa kanila," anang lola ng biktima.
ADVERTISEMENT
“Pagbabayaran niya ‘yung ginawa niya. Walang kalaban-laban ‘yung bata, biglang binaril. Buti na lang po nakaligtas ‘yung anak ko," sabi naman ng ama ng biktima.

Labis ang pagsisisi ng suspek sa nangyari at humingi ng tawad sa pamilya.

Pero desidido ang pamilyang ituloy ang kasong frustrated murder laban sa kaniya at pinag-aaralan ang pagsasampa ng kasong iligal na paghawak ng baril at child abuse.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT