1 patay sa sunog sa residential area sa Cebu City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 patay sa sunog sa residential area sa Cebu City

Leleth Rumaguera,
ABS-CBN News
Published Oct 19, 2019 12:02 PM PHT
|
Updated Oct 19, 2019 09:20 PM PHT

CEBU CITY (UPDATE) - Isa ang kumpirmadong nasawi sa sunog na tumupok sa 32 mga bahay sa Barangay Sambag Uno dito sa siyudad, Sabado ng madaling araw.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nag-iisa lang umano sa bahay ang 14-taong gulang na si Dawn Therese Awi nang mangyari ang sunog.

Dagdag ni BFP investigator SFO3 Oliver Tauto, mahimbing ang tulog ng dalagita kaya hindi nito namalayan ang sunog.

Call center agent ang ina ng dalagita na naka-duty noong mga oras na naganap ang insidente.

ADVERTISEMENT
Aabot naman sa 32 mga bahay ang natupok ng apoy na umabot ng dalawang oras bago naapula.

Nahirapang makapasok sa lugar ang mga firetruck dahil makitid ang daan. Pinagkonekta na lang nila ang hose para maabot ang fire scene.

Tinatayang aabot sa higit P300,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, lumalabas na naiwang nakasaksak na linya ng kuryente ng aquarium ang dahilan ng sunog.

Pansamantala munang nanunuluyan ang higit 50 apektadong pamilya sa gymnasium ng Sambag Uno.