Paghahanap sa 5 natabunan ng landslide sa Bukidnon nagpapatuloy | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paghahanap sa 5 natabunan ng landslide sa Bukidnon nagpapatuloy

ABS-CBN News
Published Oct 18, 2022 01:23 PM PHT

Patuloy ang search and retrieval operations sa limang tao na natabunan ng gumuhong lupa sa Sitio Mabuhay, Barangay San Luis sa Malitbog, Bukidnon noong Lunes ng hapon.

Kabilang sa natabunan ang tatlong heavy equipment operator ng lokal na pamahalaan ng Malitbog.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtatrabaho sa barangay road sa baba ng bundok ang backhoe loader operator na si Nerio Talines, dump truck driver na si Raffy Simprota, at dump truck helper na si Jordan Achas.

Dahil ilang araw nang nakakaranas ng malakas na ulan ang lugar, gumuho ang lupa sa bundok at natabunan ang tatlong tauhan at kanilang heavy equipment.

Hinahanap din ang katawan ng mag-asawang Lucrecio at Angelina Lauronal dahil kabilang sa natabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay.

Nasa loob ng bahay ang dalawa nang mangyari ang landslide.

"Sinuspende muna ng lokal na pamahalaan ng retrieval operation kagabi para sa kaligtasan ng mga rescue team. Nagpatuloy ulit ang operasyon kaninang umaga," sabi ni Bukidnon Police Provincial Office Spokesperson PMaj. Jissel Longakit.

Tumulong na rin ang mga sundalo sa 16th Infantry Battalion sa pagsasagawa ng search and retrieval operations.

—ulat ni Rod Bolivar
IBA PANG ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT