70 porsiyento ng palayan sa Allacapan, Cagayan pinadapa ng Neneng, Maymay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

70 porsiyento ng palayan sa Allacapan, Cagayan pinadapa ng Neneng, Maymay

70 porsiyento ng palayan sa Allacapan, Cagayan pinadapa ng Neneng, Maymay

ABS-CBN News

Clipboard

ABS-CBN News
ABS-CBN News

Naghalo na ang pawis at luha ni Bat-ing Udani habang mano-manong ginagapas ang binahang sakahan.

Siyamnapung kaban ng palay ang inaasahang ani niya ngayong buwan. Subalit, kalahati nito hindi na maisasalba at nabulok na sa putik, dahil sa pinsalang dala ng bagyong Neneng.

"Pambayad sana ng utang. Sana matulungan kami ng government natin. Puro lugi na lang, ang mahal pa ng abono," ani Udani.

Aabot sa 70 porsiyento ng palayan ang nasira sa Allacapan, Cagayan matapos magkasunod bayuhin ni bagyong Maymay at Neneng.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, kinalampag ng ng lokal na pamahalaan ang national government para sa pangmatagalang ayuda sa mga magsasaka.

"Pinaplano sana talaga namin na magkaroon ng post-harvest dito sa bayan, kasi pati national highway natin ginagamit na dryer ng palay," ani Vice Mayor Yvonne Florida.

Tirik man ang araw, lubog pa rin sa baha ang barangay Capanickian Sur, na siyang catchbasin ng bayan at maging ng tubig mula sa Apayao.

Nagsimula nang mamahagi ng foodpacks ang Department of Social Welfare and Development at local government units sa mga lokal na pamahalaan.

Aabot naman sa P12 milyon ang halaga ng nasirang kalsada, ayon sa lokal na pamahalaan.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot sa higit 1,100 magsasaka ang naapektuhan ng bagyo.

-- Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.