ALAMIN: Bakit di masawata ng Comelec ang pangangampanya ngayon? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Bakit di masawata ng Comelec ang pangangampanya ngayon?

ALAMIN: Bakit di masawata ng Comelec ang pangangampanya ngayon?

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 18, 2021 07:42 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Sa Pebrero 2022 pa ang simula ng opisyal na campaign period para sa mga tatakbo sa national positions pero ngayon pa lang, ramdam na ang pangangampanya ng ilang kandidato, pati na sa social media.

Yun nga lang, hindi pa ito maituturing na paglabag sa batas, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Taong 1985 kasi ipinasa ang Omnibus Election Code of the Philippines at hindi pa ito naaamyendahan para masaklaw ang pangangampanya sa social media.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, 2016 pa hiniling ng komisyon sa Kongreso na magpasa ng batas para sa social media campaigning.

ADVERTISEMENT

"Hindi natin puwedeng kontrolin 'yung dami ng nilalabas nilang materyal, hindi ito katulad ng pagko-control o pagre-regulate ng Comelec... Kailangan muna natin first and foremost ng batas," giit ni Jimenez.

Hindi rin paglabag sa batas ang maagang pangangampanya ngayon dahil papasok lang ang premature campaigning pagpalo ng opisyal na campaign period.

"Wala pa namang campaign period unang una. Pangalawa wala pang official candidates; medyo nakaka-frustrate din 'yan kase kitang kita kung minsan maling mali na ginagawa pero technically speaking di mo sila puwede masita," ani Jimenez.

Gayunpaman, sinabi ng Comelec na minamatyagan na nila ang mga ito.

-- Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.