LRT, LRT-2, MRT at PNR, madaragdagan ang mga pwedeng sumakay sa Lunes | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
LRT, LRT-2, MRT at PNR, madaragdagan ang mga pwedeng sumakay sa Lunes

ABS-CBN News
Published Oct 18, 2020 07:07 PM PHT

Hanggang 30 porsiyentong kapasidad o higit 300 pasahero kada train set ang papayagang sumakay sa MRT-3 simula Lunes.

Doble ito sa dami ng makakasakay sa dating 153 na pasahero.

Pabor sa ilang pasahero ang pagtaas ng kapasidad.

"Kasi mahirap mag-commute ng ordinaryong mga bus eh, makakatulong din po 'yon," anang commuter na si Christopher de Castro.

"Mas maganda kasi mapapadali na 'yong biyahe ng mga tao," sabi naman ni Ryan Tañeda. "Ingat-ingat na lang."

Inaasahan din ng Department of Transportation na dahan-dahang papayagan ang pagtaas ng kapasidad hanggang 50 porsiyento ng MRT, katumbas ang nasa halos 600 pasahero na makakasakay ulit ng tren.

Sa isang text message, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na suportado nila ang desisyon sa pagdagdag ng pasahero sa mga tren.

May social distancing marks din na dapat sundin ang mga pasahero.

Depende rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases kung papayagan ang dagdag-kapasidad sa mga darating na linggo.

May ilang commuter naman na may pangamba sila ukol dito.

"Siyempre mahirap, dadagdagan magdidikit-dikit na... paigtingin pa 'yong mga pagbabantay at mga patakaran na dapat natin sunduin," ani Nerissa Baral.

"Sa akin sana hindi na kasi kung madagdagan ang pasahero, may possibility na madagdagan ang COVID cases natin," ani Nicole Jumilla.

Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT na mahigpit nilang ipatutupad ang mga utos mula sa health experts.

Samantala, maging ang LRT-1 at LRT-2 ay makaka-accomodate na simula Lunes ng hanggang higit 300 hanggang 400 pasahero kada train set.

Ayon sa pamunuan ng LRT, malaking benepisyo ito lalo sa mga commuter.

Sa Philippine National Railways (PNR), tataas na sa 200 hanggang 300 ang bilang ng mga maisasakay na pasahero.

Ayon sa PNR, susunod sila sa utos ng DOTr pero prayoridad pa rin ang kaligtasan at kalusugan ng mga pasahero.

Tiniyak naman ng DOTr na magtatalaga sila ng mga train marshall sa iba't ibang istasyon at sa loob ng mga tren para matiyak ang pagsunod ng minimum health protocol.

-- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
transportasyon
train
LRT-1
LRT-2
MRT
PNR
Department of Transportation
train capacity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT