Magsasaka, nahulihan ng 16 na bloke ng marijuana | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magsasaka, nahulihan ng 16 na bloke ng marijuana

Magsasaka, nahulihan ng 16 na bloke ng marijuana

Ria Galiste,

ABS-CBN News

Clipboard

Nahulihan ng 16 na bloke ng hinihinalang marijuana ang isang magsasaka. Photo courtesy of Alilem, Ilocos Sur Police

ILOCOS SUR - Timbog ang isang magsasaka na may dala ng hinihinalang marijuana sa isang checkpoint sa Barangay Poblacion, Alilem, Ilocos Sur Lunes.

Kinilala ang suspek na si Nardo Itso. Siya ay sakay ng isang pampasaherong jeep mula Bakun, Benguet at papunta sana sa Sudipen, La Union.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na may dadaan na jeep na may sakay na lalaking nakamaroon na may dalang mga bloke ng marijuana kaya naglagay sila ng checkpoint sa lugar.

Nakuha mula kay Itso ang 16 na bloke ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P781,000.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ng mga pulis, maaring ito lamang ang ginamit na daanan ng suspek para makababa mula sa Benguet, pero hindi pa matukoy kung saan idedeliver ang mga bloke ng marijuana.

Ayon kay Police Chief Inspector Winnie de Vera ng Ilocos Sur Police Provincial Office, ang mga hinihinilang marijuana ay nakasilid sa iba't ibang lalagyan. Sampu sa mga ito ay nasa isang travelling bag, apat naman ang nasa isang back pack, at dalawa pa ang nasa isang plastic bag.

Inihahanda na ng mga otoridad ang isasampang kaso laban kay Itso.

Samantala, patuloy ang kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga sa lalawigan.

Kabilang sa mga isinasagawa ng mga pulis ay ang house visitation, Oplan Tokhang at ang Oplan Taphang, o mga information drive.

Patuloy din ang paghihikayat nila sa mga gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga na sumuko na sa mga pulis.

Sa ngayon, umaabot na sa 4,880 ang sumuko sa Ilocos Sur.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.