Nasa 100 bata sa Batangas tinamaan ng hand, foot and mouth disease | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nasa 100 bata sa Batangas tinamaan ng hand, foot and mouth disease

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Oct 17, 2022 06:07 PM PHT
|
Updated Oct 18, 2022 10:35 PM PHT

Nasa 100 bata ang tinamaan ng hand, foot and mouth disease o HFMD sa bayan ng San Pascual, Batangas.

Ayon kay Municipal Administrator Atty. Sherwin Barola, 56 sa mga bata ay may lagnat.

Ang HFMD ay nagdudulot ng lagnat, rashes, mga sugat sa kamay at paa, gayundin sa labi at dila.

Iniutos ni Mayor Antonio Dimayuga na simula bukas hanggang sa Biyernes ay suspendido ang pasok mula Day Care hanggang Grade 3 sa mga eskuwelahan sa walong barangay.

Kabilang dito ang mga barangay ng Pook Ni Kapitan, Pook Ni Banal, Resplandor, Natunuan North, Antipolo, Mataas Na Lupa, Sambat At Sto. Niño.

Nagtutulungan na ang Rural Health Unit at ang Department of Education sa San Pascual para masugpo ang pagdami ng tinatamaan ng HFMD.

Magsasagawa na rin ng disinfection sa mga eskuwelahan.

MULA SA ARCHIVE
Read More:
San Pascual
Batangas
hand foot and mouth disease
HFMD
regions
regional news
San Pascual Batangas
health
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT