'Tulak', patay sa Meycauayan buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2018 05:04 AM | Updated as of Oct 17 2018 09:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

BULACAN - Patay ang isang hinihinalang tulak matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Bancal, Meycauayan, Bulacan Miyerkoles ng hatinggabi.

Kinilala ang suspek na si Rusty Vidal, alyas Arvin. Nakuha sa kaniya ang 5 sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na baril.

Ayon sa pulisya, nagpaputok umano si Vidal matapos niyang mahalata na pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Vidal. 

Hinuli rin ng mga pulis ang sinasabing may-ari ng bahay kung saan naganap ang transaksiyon. - ulat nina Jeck Batallones at Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.