Libreng binhi, balak ibigay sa mga magsasakang magbebenta ng palay sa NFA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Libreng binhi, balak ibigay sa mga magsasakang magbebenta ng palay sa NFA

ABS-CBN News
Published Oct 17, 2018 06:13 PM PHT
|
Updated Oct 17, 2018 06:40 PM PHT

Balak ng Department of Agriculture (DA) na bigyan ng libreng binhi ang mga magsasakang magbebenta ng palay sa National Food Authority (NFA).

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel "Manny" Piñol, pinaplantsa na ng kanilang ahensiya ang planong pagbibigay ng libreng sako ng binhi ng palay sa mga magsasakang magbebenta ng kanilang mga ani sa NFA. Balak itong ipatupad sa susunod na taon.

Sa kada apat na metriko toneladang palay na ibebenta sa NFA ng isang magsasaka o kooperatiba, bibigyan sila ng isang sako ng inbred rice seeds ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na may halagang P1,560, ayon kay Piñol.

Isang sako ng commercial hybrid seeds na nagkakahalagang P5,000 naman ang ibibigay umano sa mga magsasaka o kooperatibang magbebenta ng walong metriko toneladang palay.

Tiniyak ni Piñol na ang ibibigay nilang binhi ay akma sa uri ng lupa at lagay ng panahon sa lugar na pinanggalingan ng mga magsasaka.

Samantala, binatikos naman ng grupong Bantay Bigas ang plano ng Agriculture department.

Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas, kung talagang gustong makatulong ng gobyerno, dapat ipamahagi ang libreng binhi sa lahat ng magsasaka, lalo na sa mga magsasakang nasalanta sa bagyong Ompong.

Iginiit din ng grupo na dapat pagtuunan ni Piñol ng pansin ang mga long-term solution o pangmatagalang solusyon sa krisis sa bigas.

--Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
agrikultura
palay
magsasaka
bigas
binhi
Department of Agriculture
National Food Authority
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT