Guro, nalunod sa Masagana Falls sa Puerto Princesa | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Guro, nalunod sa Masagana Falls sa Puerto Princesa

Guro, nalunod sa Masagana Falls sa Puerto Princesa

Cherry Camacho,

ABS-CBN News

Clipboard

Photo Courtesy: Irawan PNP

PUERTO PRINCESA CITY - Patay ang isang 28 taong gulang na lalaki matapos na malunod sa Masagana Falls, Barangay Irawan, Puerto Princesa City, Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Khyme Hikilan, isang MAPEH teacher sa Sicsican National High School at residente ng Golden Valley Barangay Sicsican.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Irawan Police, nagkaroon ng 3 araw na youth retreat at camping ang biktima kasama ang ilang magulang at estudyante.

Matapos nito, nagkayayaan ang mga ito na maligo sa Masagana Falls.

ADVERTISEMENT

Anim na estudyante ang aksidenteng napunta sa malalim na parte ng talon at dahil dito, ni-rescue ni Hikilan ang mga ito.

Pero ang biktima, hindi na nakaahon dahil sa lakas ng agos ng tubig.

"Tumalon siya sa falls, sumunod yung 6 na estudyante. Pagkatapos, nadala yung mga bata sa malalim na part nung falls, so sinubukan niyang iligtas lahat but then siya ang tinamaan ng current ng tubig… Kinailangan din ng oxygen tank ng mga rescuer para ma-retrieve yung katawan dahil nasa ilalim na siya…" ani Police Senior Inspector Felix Rivera, Station Commander, Irawan Police.

Agad naman na nagsagawa ng joint search and rescue operation ang Philippine Coast Guard at Philippine Navy.

Pasado alas singko y media na ng hapon nang ma-recover ang katawan ng biktima.

Ito naman ang unang insidente ng pagkalunod sa lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.