Seguridad para sa Undas 2022 sa Maynila ikinakasa na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Seguridad para sa Undas 2022 sa Maynila ikinakasa na

ABS-CBN News
Published Oct 14, 2022 03:51 PM PHT
|
Updated Oct 14, 2022 07:18 PM PHT

MAYNILA - Maagang nagpunta sa Manila South Cemetery ang pamilya ni Rosalie Latoreno para dumalaw sa puntod ng kaniyang ina.

Malaking pasasalamat niya na niluwagan na ang restrictions sa darating na Undas.

"Mahalaga sa'min yun kasi nadadalaw namin yung mama namin. Anytime na gusto namin puntahan kasi dati hindi talaga di talaga kami nakakapunta bawal talaga magpapasok dito," ani Latoreno.

Puspusan na rin ang paghahanda ng sementeryo, na may nakapaskil na mga paalala sa darating na Undas.

ADVERTISEMENT
"Nagkabit na kami ng tarpaulin para mabasa ng mga may kapamilya dito sa loob para makita nila yung mga paalala ano kailangan gawin, oras ng dalaw, nagpa-tree cutting na rin po. Nagpa-aspalto rin kami ng ibang area para maayos yung daanan then nag inspect na rin yung kapulisan natin," ayon sa admin staff ng Manila South Cemetery na si Vicente Miguel Garzo.

Todo na rin sa paglilinis ang mga caretaker ng mga puntod kaya naman muling nabuhay ang hanapbuhay ni Nora Sison ngayong bubuksan ulit sa publiko ang sementeryo.

Sa inilabas na paalala ng Manila local government, simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 ay hindi papayagang makapasok sa Manila North at Manila South Cemetery ang hindi pa bakunado at mga batang edad 12 pababa.

"Bago tayo makapasok sa main gate, mayroon na tayong inspection area na nandoon yung ating mga kapulisan sila na yung nakaassign para mag-inspect ng vaccine card. At the same time, sila na rin ang magbabantay sa gate kung bata po hindi talaga papapasukin, ihohold na sila doon," ani Roselle Castaneda, officer in charge ng Manila North Cemetery.

Bubuksan ang mga sementeryo sa mga nabanggit na petsa mula alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

"Pagdating po ng 4 P.M. yung mga COVID marshall at kapulisan natin ay iikot na po at mag-aannouce na pwede na tayo bumaba manalangin na tayo dahil 5 P.M. isasara natin ang gate ng Manila North Cemetery," ani Castaneda.

Bawal din ang ano mang uri ng sasakyan pero tiniyak ng pamunuan na maghahanda sila ng mga wheelchair para sa mga senior citizen at persons with disability (PWD).

Open space man ang mga sementeryo, hinihikayat ng pamunuan na magsuot pa rin ng face mask.

Pagbabawalan pa rin ang mga nagtitinda ng pagkain, bulaklak, at kandila sa loob ng mga sementeryo.

Kasado naman ang security plan ng Manila Police District.

Ayon kay MPD spokesperson Police Maj. Philipp Ines, mayroong nasa 700 MPD personnel ang idedeploy ng October 31. Sa Nov. 1 and Nov. 2 naman nasa 1,500 pulis ang maaatasan magbantay.

Paalala rin ng MPD na bawal magdala ng patalim, baril, at ano mang matutulis na bagay.

Bawal din ang flammable materials, alak, mga bagay na lumilikha ng malalakas na ingay at bawal ding magsugal.

Hanggang Oktubre 25 papayagang maglinis, magpintura at magrenovate sa mga puntod.

Ihihinto naman ang mga libing at cremation mula Oktubre 28 at ipagpapatuloy ito sa Nobyembre 3.