ALAMIN: Pasilip sa plataporma ng presidential bets sa #Halalan2022 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Pasilip sa plataporma ng presidential bets sa #Halalan2022

ABS-CBN News
Published Oct 14, 2021 08:38 PM PHT

MAYNILA — Ilang araw matapos maghain ng certificate of candidacy para sa halalan sa 2022 presidential race, kanya-kanya nang paramdam sa mga botante ang ilan sa mga gustong maging susunod na pangulo ng bansa.

Si Manila Mayor Isko Moreno, tiniyak ang parehas na pagtrato sa mga tao at pagbibigay-tiwala sa mga makakasama nya sa ehekutibo kung sakali.

Libreng pabahay din daw ang isusulong niya at ang pagbibigay ng mas malaking oportunidad sa mga Pilipino.

Pangako pa ni Moreno, kikilalanin nya ang The Hague ruling sa West Philippine Sea at pipiliting makausap ang gobyerno ng China.

ADVERTISEMENT
Pagbangon naman ng ekonomiya ang gustong tutukan ni Sen. Panfilo Lacson kaya ngayon pa lang, bumubuo na siya ng grupo ng eksperto sa ekonomiya.

Itutuloy din daw ni Lacson ang "Build Build Build" program ng Duterte administration.

Si Sen. Bato dela Rosa, standard bearer ng PDP-Laban Cusi wing, tiniyak ding ilalaban ang interes ng bansa sa West Philippine Sea.

Si Vice President Leni Robredo naman, bibigyang prayoridad sa unang 100 days niya ang pagpapababa ng COVID-19 cases at pagpapalakas ng ekonomiya.

Ang labor leader na si Leody de Guzman, nais labanan ang mga bilyonaryo sa bansa at isulong ang maginhawang buhay sa mga manggagawang Pilipino.

Wala namang komento pa ang ilang presidential aspirants nang tanungin ng ABS-CBN News.

—Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
halalan 2022
halalan2022
halalan
Leni Robredo
Ping Lacson
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT