1 patay, 1 sugatan sa sunog sa Maynila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 patay, 1 sugatan sa sunog sa Maynila
1 patay, 1 sugatan sa sunog sa Maynila
ABS-CBN News
Published Oct 14, 2021 01:22 PM PHT

Isa ang patay at isa pa ang sugatan sa sunog sa Baseco Compound sa Maynila Miyerkoles ng gabi.

Bandang alas-6 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa may Barangay 649 sa Baseco.

Dahil masikip ang daan at maraming tao sa lugar, nahirapan ang mga bombero sa pag-apula ng apoy at umabot nang 3 oras bago sila nakapagdeklara ng fire out.

"Dahil sa dami ng residents... unruly po kasi 'yong dating nila dito kaya nahirapan ang pagpasok at pagdating ng fire trucks," ani Fire Chief Insp. Leo Andiso ng Manila Fire Department.

ADVERTISEMENT
Isang residenteng kinilalang si Mastora Guimat ang nasawi nang hindi makalabas sa kanilang bahay. Nasugatan naman ang kaniyang anak, na agad itinakbo sa ospital.

Pansamantalang tumutuloy sa Baseco Evacuation Center ang higit 100 pamilyang nasunugan.

May modular tent ang bawat pamilya pero hindi pa rin maiwasang magkumpulan dahil sa dami ng apektado.

Walang naisalba na gamit ang karamihan sa mga nasunugan kaya nanawagan sila ng tulong, gaya ng damit, pagkain at face mask.

Sa Biñan, Laguna naman, natupok ang 18 stall nang masunog ang isang food park nitong madaling araw ng Huwebes.
Sa Biñan, Laguna naman, natupok ang 18 stall nang masunog ang isang food park nitong madaling araw ng Huwebes.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Bureau of Fire Protection, sa isang stall nagsimula ang apoy pero inaalam pa ang sanhi nito.

Nadamay naman ang bahagi ng isang hardware store sa tabi ng lote.

Ayon sa caretaker ng food park, 3 buwan pa lang nasa operasyon ang parke at nakatakda pa sanang mag-grand opening ngayong Huwebes.

Sa Cainta, Rizal, nasunog din ang isang bahay sa Barangay San Andres bandang alas-2 ng madaling araw.

Limang pamilya ang nasunugan sa 2 palapag na bahay sa isang subdivision.
Limang pamilya ang nasunugan sa 2 palapag na bahay sa isang subdivision.
ADVERTISEMENT
Hindi naman kumalat ang apoy sa mga katabing bahay.

— Ulat nina Lady Vicencio at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
sunog
Baseco Compound
Manila
Biñan
Laguna
Cainta
Rizal
Bureau of Fire Protection
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT