Retrieval ops sa natabunang ‘treasure hunters’ sa Surigao del Sur dahil sa landslide, patuloy | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Retrieval ops sa natabunang ‘treasure hunters’ sa Surigao del Sur dahil sa landslide, patuloy

Retrieval ops sa natabunang ‘treasure hunters’ sa Surigao del Sur dahil sa landslide, patuloy

ABS-CBN News

Clipboard

Pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad ang 6 na "treasure hunters" na natabunan sa Brgy. Bayan, Marihatag, Surigao del Sur noong Lunes dahil sa landslide. Marihatag Municipal Police Station

Isa na ang nasagip samantalang pinaghahanap pa hanggang ngayong Miyerkoles ang 6 na tinaguriang treasure hunters na natabunan sa Brgy. Bayan, Marihatag, Surigao del Sur noong Lunes dahil sa landslide.

Ayon sa pulisya ng Marihatag, ipagpapatuloy pa rin ang isinasagawang retrieval operations sa kabila ng mga pag-ulan.

Sa inisyal na pahayag ng nakaligtas, nasa 20 hanggang 30 feet ang lalim ng lupa kung saan pinaniniwalaang na-trap ang kaniyang mga kasamahan, ayon kay PLt. Noel Piong ng Marihatag Police.

Pasado alas-2 ng hapon noong Lunes nang magkaroon ng landslide sa isang palayan, kung saan, sabi ni Piong, may 7 lalaki ang nagsasagawa ng treasure hunting at naghahanap ng umano’y gold bars.

ADVERTISEMENT

“Base sa investigation namin sa nakaligtas, may initial na pahayag siya na nasa 20-30 feet ang lalim. Yung tinatawag na abantero at saka atrasero - 3 yung abantero, at saka 3 yung atrasero - yun ang nasapol talaga ng lupa noong nag-landslide,” sabi ni Piong.

Dagdag pa niya, hirap sila sa isinasagawang rescue and retrieval operations dahil sa pag-ulan at malakas na tubig mula sa sapa sa lugar.

Apat na generator water pump na rin daw ang nasira sa rescue na ginagawa, aniya.

Sinabi niya na hindi titigil ang awtoridad sa paghahanap sa 6 pang nawawala.

— Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.