10 bahay nilamon ng apoy sa Paco, Maynila

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2019 08:01 AM | Updated as of Oct 14 2019 08:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nilamon ng malaking apoy ang aabot sa 10 bahay sa General Luna Street, Paco, Maynila nitong Lunes ng umaga.
 
Patuloy na inaapula ang sunog na nagsimula pasado alas-6 ng umaga.

Itinaas ng mga awtoridad ang second alarm, o ang pangalawang pinakamababang alarma.

Mabilis na kumalat ang sunog dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Pahirapan din ang pag-apula ng apoy dahil nakulangan ng tubig, ayon kay Fire Chief Insp. Joel Carl Blando Station 2 Commander ng Bureau of Fire and Protection Manila. 

Inaalam pa ang sanhi ng sunog. -- May ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.